Ni Eva Callueng
Sabi ko sa sarili ko, pag nakuha ko itong project na ito, jackpot! Paano ba naman? Hindi naman lahat ng trabahong gusto mong pasukin, yayakapin mga ideya mo. Kaya swerte ako dito kasi habang nagtratrabaho ako bilang isang Barangay Secretary ay lumalapad at lumalaki ang mundo ko kasi makakakilala ako ng mga taong may paggalang sa iba’t ibang opinyon at nagpapayaman pa ng kaisipan at perspektibo ko.
Bilang guro, natututunan ko ang mga tsismis na ipinakalat ng mga magulang at minsan kapwa ko pa guro sa mga estudyante tungkol sa maraming bagay na may kaugnayan sa usaping seks. Sabi ng mga kaibigan ko, Sex Guru daw ako. My gosh, wala naman akong alam dyan! Plastik. Ang ibig nilang sabihin ay ang pagkahilig ko sa mga usaping sex, gender at sexuality. Lahat kasi ng workshops na inaattendan ko halos lahat dun umiikot. Batid din nila ang aking posisyon sa maraming isyu na kaakibat dito. Hindi naman ako mahilig sa usaping yun, lapitin lang talaga…
Excited ako sa project na ito kasi mga kabataan ang halos babad dito, ang totoo niyan nakakabata ang ganitong gawain. Hindi kailangan ng maraming arte at kuskos balungos, diretsahan lang, yung totoo lang at higit sa lahat yung nararapat lang.